budgeting-for-beginners-spreadsheet

The B.E.S.T. Budgeting System: The Simple Money Management Plan That Works

Nahihirapan ka bang pagkasyahin ang sweldo? Parang katatanggap mo pa lang, pero bago pa dumating ang susunod na sweldo, ubos na agad?

O baka naman gusto mong mag-budget, pero nalilito ka kung paano sisimulan?

Hindi ka nag-iisa. Ayon sa isang 2021 survey ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), only 37% of Filipinos have a budget and stick to it, habang karamihan ay hindi nagba-budget o nahihirapang sundan ito (BSP Consumer Expectations Survey).

Bakit Mahirap Mag-Budget?

  • Masyadong maraming gastusin. Bills, pagkain, utang—saan nga ba dapat unahin?
  • Hindi sapat ang kita. Kahit anong tipid, parang laging may kulang.
  • Laging may biglaang bayarin. Pag may emergency, napipilitan tayong umutang.
  • Walang sistema na madaling sundan. Alam natin na dapat mag-ipon, pero paano?

Kung gusto mong ayusin ang finances mo, makaipon, at hindi na ma-stress sa pera, I have good news for you!

I’ll teach you the B.E.S.T. Budgeting System—isang simple, practical, at effective na paraan para i-manage ang pera mo nang hindi ka nalilito o nai-stress.

financial-literacy-speaker-philippines

What is the B.E.S.T. Budgeting System?

The B.E.S.T. Budgeting System is a 4-step approach na makakatulong sa’yo na i-organize ang iyong gastusin, maghanda para sa hinaharap, at magsimula ng savings.

  • B – Bills & Basics (Essential expenses like rent, utilities, groceries)
  • E – Extra Expenses (Birthdays, tuition, holidays, and unexpected costs)
  • S – Savings (Emergency fund, sinking fund, and investments)
  • T – Total Income & Tweaks (How to adjust your budget and increase your income)

Ang system na ito ay madaling sundan, flexible para sa anumang income level, at makakatulong sa iyo na magkaroon ng financial stability.


1. B – Bills & Basics (The Essentials)

budgeting-101-for-beginners

Ayon sa isang 2023 survey ng Statista, 63% ng monthly expenses ng isang average Filipino ay napupunta sa pangunahing gastusin, tulad ng rent, utilities, at pagkain (Statista: Household Expenditure in the Philippines).

Sa unang step ng B.E.S.T. Budgeting System, uunahin natin ang essentials o tinatawag kong “Survival Budget.”

Common Bills & Basics:

  • Rent / Mortgage
  • Utilities – Kuryente, tubig, internet, phone bills
  • Food & Groceries – Supermarket at palengke budget
  • Transportation – Pamasahe sa jeep, MRT, gas
  • Debt Payments – Credit cards, loans, hulugan
  • Medical Needs – Check-ups, maintenance meds

Tip: Gamitin ang Budget Calendar upang hindi makaligtaan ang due dates ng bills. Pwede mong gamitin ang printable budget calendar o automated budget spreadsheet upang mas madali ang tracking.


2. E – Extra Expenses (The Sneaky Budget Busters)

50-30-20 rule

Ayon sa BSP, karamihan ng mga Pilipino ay nahihirapan magtabi ng pera para sa irregular expenses, kaya madalas ay nauuwi sa pangungutang (BSP Financial Inclusion Survey).

Para maiwasan ito, kailangang paghandaan ang mga gastusing hindi monthly pero dumadating sa loob ng taon.

Common Extra Expenses:

  • Birthdays & Celebrations – Regalo, handa, party expenses
  • Holidays & Special Events – Pasko, New Year, anniversaries
  • Tuition & School Expenses – Bayad sa eskwela, school supplies
  • Car Maintenance & Registration – Yearly gastos
  • Unexpected Medical Bills – Hospital, check-ups

Tip: Gamitin ang Sinking Fund System. Magtabi ng maliit na halaga kada buwan para hindi mabigla sa mga biglaang bayarin.

Example: Kung may target kang P12,000 para sa Christmas shopping at may 4 months ka pang pag-iipon, magtabi ng P3,000 bawat buwan para handa ka bago mag-Disyembre.

Upang mas madali ang pag-track ng sinking funds, maaari mong gamitin ang aking budget spreadsheet na may automated sinking fund calculator.


3. S – Savings (Your Financial Safety Net & Future Goals)

how-to-budget-money-pinoy

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas Financial Inclusion Survey, 6 sa 10 Pilipino ang walang ipon, at isa lang sa apat ang may sapat na emergency fund (BSP Financial Inclusion Survey).

Ang savings ay hindi dapat maging optional—ito ang iyong financial safety net.

3 Types of Savings:

  1. Emergency Fund – Para sa biglaang gastos tulad ng medical bills o pagkawala ng trabaho (3-6 months’ worth of expenses).
  2. Sinking Fund – Para sa planned but irregular expenses tulad ng tuition, travel, o Pasko.
  3. Investment Fund – Para sa long-term goals tulad ng bahay, negosyo, o retirement.

Tip: Kahit P50-100 per week lang ang simulan mo, mas mabuti kaysa wala. Ang mahalaga ay ang consistency.

Ang aking budget templates ay may kasamang savings tracker upang matulungan kang subaybayan ang iyong ipon.


4. T – Total Income & Tweaks (Make Your Budget Work for You)

how to avoid overspending

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), karamihan ng Pilipino ay may kakulangan sa kita upang masustentuhan ang kanilang pamilya (PSA Poverty Statistics).

Kung hindi sapat ang iyong income para tustusan ang iyong budget, may dalawang paraan upang solusyunan ito:

  1. Bawasan ang Gastos – Magbawas sa non-essentials tulad ng online shopping, pagkain sa labas, at subscription services.
  2. Dagdagan ang Kita – Maghanap ng extra income tulad ng side hustle, freelancing, o pagbebenta ng pre-loved items.

Ang automated budget spreadsheet ko ay may feature na tumutulong sa iyo na makita kung may kakulangan o sobra sa budget mo.


Why the B.E.S.T. Budgeting System Works

  • Simple & Practical – Madaling sundan kahit beginner sa budgeting
  • Flexible for Any Income Level – Pwede sa mga may regular o irregular income
  • Helps You Stay Consistent – Para hindi ka mahirapan every month

Get My Budget Spreadsheets & Templates

financial-tracker

Kung gusto mong gawing mas madali ang pagbabudget, subukan ang aking printable budget templates at automated spreadsheets upang matulungan kang i-track ang iyong pera nang walang stress.


Final Thoughts 

Ang B.E.S.T. Budgeting System ay isang simple pero epektibong paraan upang ma-manage ang iyong pera, maiwasan ang stress sa gastusin, at makapagsimula ng ipon.

📌 Watch my YouTube video here

Ano ang pinaka-challenging na part ng budgeting para sa iyo? Comment below o i-message ako para pag-usapan natin ito.

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *